Labing tatlo, patay sa engkuwentro ng mga pulis at isang grupo sa Sultan Kudarat

445

Umakyat na sa labing tatlo (13) ang patay sa engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at isang grupo sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sumiklab ang engkuwentro kaninang madaling araw kasunod ng tangkang pag-aresto sa dating barangay kapitan na nakilalang si Datu Pendatun Kato Talusan.


Nahaharap sa kasong carnapping, robbery with homicide, double frustrated murder at illegal possession of firearms ang dating barangay chairman.

Sa engkuwentro, patay si Talusan at 11 na kasamahan nito habang isang pulis naman ang nasawi sa panig ng otoridad.

Sugatan din ang dalawang pulis na isinugod sa Cotabato Sanitarium Hospital.

Dahil sa insidente, pansamantalang ipinasara ang bahagi ng Cotabato-Davao Road.




Facebook Comments