Tumauini, Isabela – Idineklara nang drug free ang 13 barangay sa bayan ng Tumauini sa kabila na may 18 barangay ang nairekomenda na sumailalim sa pagsusuri ng local government at PDEA.
Ayon kay Police Chief Inspector Melanio Vinoray, hepe ng PNP Tumauini, na patuloy parin ang mga programang isinasagawa ng pamunuan nito upang maideklara na drug free ang buong bayan ng Tumauini.
Aniya abala ngayon ang PNP Tunauini sa Community Base Rehabilitation Program o CBRP ng mga tokhang responders kung saan ay nasa skills training na umano ang kabuuang 198 na respondents.
Samantala sa 46 na barangay sa Tumauini ay mayroong 232 na tokhang respondents kung saan ang iba umano ay nasawi na, hindi na mahanap at ang iba naman ay nasa malalayong lugar.
Facebook Comments