Labingpitong katao, pinagdadampot ng Pasay Police sa ikinasang One Time Big Time Operation

Manila, Philippines – Pinagdadampot ang may labingpitong katao sa ikinasang One Time Big Time Operation ng Pasay Police at barangay force multiplier.

Naaresto ang labing-pitong suspek pasado alas diyes kagabi.

Sinuyod ang sampung barangay at inikot ang NAIA Road, Electrical Road, MIA Road, at Domestic Road.


Limang lalaki ang dinampot dahil walang suot na damit pang-itaas, isa ang naaktuhang umiihi sa kalsada habang apat na iba ang natutulog sa kalsada.

Sabi ng mga pulis, tatlo sa pitong drug suspek ang naaktuhang gumagamit ng iligal na droga.

Sa kabuuan, nakuha ang pitong sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia tulad ng aluminum foil, lighter at improvised tooter.

Dinala sa Pasay City Police Station ang labingpitong suspek at inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa kanila.
DZXL558

Facebook Comments