Naipamahagi ang nasa labinsiyam na mga patrol cars sa hanay ng kapulisan mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan.
Tinanggap ng mga Chief of Police mula sa mga bayan ng Agno, Basista, Bayambang, Bolinao, Burgos, Dasol, Malasiqui, Mapandan, San Manuel, San Quintin, Sta Maria, Sual, Sison, Urbiztondo, at Villasis, at mga lungsod ng Alaminos, San Carlos, Dagupan at Urdaneta ang ang nasabing sasakyan.
Layon nitong mas paigtingin pa ang serbisyo ng mga kapulisan sa pagtitiyak ng seguridad at kapayapaan sa mga lugar sa lalawigan na pinagtalagahan sa mga ito.
Mas makatutulong din ito sa pagresponde ng mga ito sa anumang insidente o kaguluhan na posibleng mangyari sa mga nasasakupang komunidad.
Samantala, sa pamamagitan din nito ay mas mapapalakas ang police visibility na siyang kinakailangang upang mapanatili ang kaayusan sa mga lugar sa probinsya ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments