Dahil sa layuning mas mailapit ang serbisyong medikal sa mga residente ay nakatakdang itatayo ang nasa labing siyam na Super Health Centers sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa tanggapan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, target nilang makapagpatayo ng nasa mahigit anim naraang (600) Super Health Center sa bansa sa ilalim ng dalawang taon kung dito sa lalawigan ng Pangasinan ay nakapag umpisa na sa konstruksyon ang ilang bayan at lungsod gaya ng Dagupan City, Alaminos City, Urbiztondo bayan ng Manaoag.
Sinabi ni Sen. Go, layunin ng pasilidad na ito ay upang mas mailapit ang mga serbisyo sa kalusugan ng residente at upang mas marami ang maseserbisyuhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng primary care at early detection upang agad na mabigyan ng agarang aksyon ang mga sakit ng pasyente.
Sa health center na ito, mayroong handog na dental, laboratory, x ray at ilan iba pang mga serbisyong medikal.
Nagpapasalamat naman ang mga nauna nang bayan at lungsod sa lalawigan na nakapag-umpisa na sa konstruksyon ng naturang pasilidad sa kalusugan. |ifmnews
Facebook Comments