Matagumpay na naisagawa ng Pangasinan Police Provincial Office ang labintatlong operasyon sa loob ng isang linggo kung saan nagresulta sa pagkakaaresto ng nasa labingpitong indibidwal.
Labingapat sa mga naaresto itinuturing na kabilang sa most wanted persons habang nasa tatlo naman ang nasa listahan ng other wanted persons.
Sa loob ng isang linggo, nakumpiska ang 8.736 gramo ng shabu at tinatayang nagkakahalaga ng nasa 59,432 pesos.
Samantala, nasa tatlo naman ang nakumpiskang iligal na armas mula sa limang operasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







