LABINLIMANG BAHAY, NASUNOG SA DAGUPAN CITY

Nasunog ang humigit-kumulang labinlimang (15) kabahayan sa isang residential area sa Arellano St., Barangay Pantal, Dagupan City, noong Nobyembre 10, 2025 bandang 11:59 ng umaga.

Ayon sa ulat ng Police Station 1 at Bureau of Fire Protection (BFP)–Dagupan, kasama ang Panda Fire Volunteers at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), agad silang rumesponde matapos makatanggap ng ulat tungkol sa nasusunog na bahay sa naturang lugar.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagsimula umano ang apoy sa tahanan ng dalawang residenteng naninirahan sa Dagupan City.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay dahil sa dikit-dikit na mga kabahayan.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. Idineklara ng City Fire Marshal na under control ang sunog bandang 1:43 ng hapon at tuluyang fire out pagsapit ng 2:35 ng hapon sa parehong araw.

Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, gayundin ang kabuuang halaga ng pinsala at imbentaryo ng mga ari-ariang naapektuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments