Nabiktima ang nasa labinlimang overseas filipino workers mula sa Ilocos Region ng balikbayan box scam.
Ang ilan sa biktima, inireport sa Department of Migrant Workers o DMW na hindi nakarating sa kanilang destinasyon ang mga nasabing kahon.
Hanggang ngayon palaisipan sa ahensya kung saan ito naligaw kaya’t patuloy ang kanilang imbestigasyon.
Samantala, ang mga nasabing biktima ay naabutan ng nasa tatlumpung libong pisong halaga ng cash assistance sa ilalim ng pondo ng programang Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan, ayon kay DMW OIC Asst. Director Romeo Jaramilla.
Ani Jaramilla, sakaling makaranas ng parehong problema ay huwag mag-atubiling hingin ang kanilang tulong.
Sa ibang lugar naman sa bansa, may nagpahayag na hanggang ngayon ay wala pa ni sentimong natanggap sa ilalim ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







