Lubos na nagpapasalamat ang mga residente mula sa labing-siyam na Barangay sa Bayan ng San Nicolas matapos matanggap ang proyektong Solar Street Lights ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas.
Ang kada barangay ay nakatanggap ng siyam (9) 200w Solar Lights with Poles. Ang mga barangay ng Cabitnongan, Cabuloan, Calanutian, Calaocan, Camindoroan, Casaratan, Fianza, Lungao, Poblacion West, Salpad, San Felipe East, San Felipe West, San Isidro, San Jose, San Rafael East, San Roque, Sta. Maria East, Sta. Maria West at Sto. Tomas.
Samantala, labing apat (14) pang barangay ng San Nicolas ay nagrequest naman ng kani-kanilang construction materials.
Samantala, labing apat (14) pang barangay ng San Nicolas ay nagrequest naman ng kani-kanilang construction materials.
Ang pagkakaroon ng Solar Street Lights ay nagbibigay ginhawa sa mga nasasakupan, lalong lalo na sa mga magsasakang ginagabi sa pag uwi at sa paglabas ng madaling araw.
Nakatutulong din ito sa ating mga barangay tanod na rumoronda sa gabi sa kani kanilang patrolling areas na gamit lamang ng flashlight.
Ayon sa Alkalde, layunin ng proyektong ito upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bawat barangay ng bayan. |ifmnews
Facebook Comments