Labintatlo katao, arestado sa One Time Big Time Operation sa Sampaloc Maynila

Manila, Philippines – Laglag sa kamay ng mga otoridad ang labing-tatlong lalaki matapos ang ikinasang One Time Big Time Operation sa Sampaloc, Maynila.

Apat sa mga suspek ang may warrant of arrest kabilang na sina Mark Anthony Ely na may kasong rape, Bong Alfonso na may kasong illegal gambling, Edmund Benitez na may kasong attempted homicide at Edwin Garcia na may kaso namang pagnanakaw.

Ayon kay Sr. Insp. Pidencio Saballo Jr., hepe ng Investigation Division ng MPD Station 4, dinala sa Sampaloc Police Station ang mga lalaki na naabutang nag-iinuman sa kalsada at walang damit pang-itaas.


Sinuyod ng mga pulis ang Domingo Santiago St., Aliwan St., Calamba St. at Antipolo St. kung saan doon na nga pinagdadampot ang mga suspek.
Ayon kay Saballo, dadalasan na nila ang pagsasagawa ng one time big time operation at hindi lang ito ngayong panahon ng ASEAN Summit.
DZXL558

Facebook Comments