Sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) President Dr. Jose Rene de Grano na masyadong nakatutok ang publiko sa COVID-19 kung kaya’t tumaas ang kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.
Ayon kay De Grano, bukod sa mabilis ang pagpasok ng tag-ulan sa bansa ay hindi na napagtutuunan ng pansin ang paglilinis ng kapaligiran dahil nakatutok ang lahat sa COVID-19 response at iba pang sakit.
Dagdag pa ni De Grano, malaki rin ang katungkulan ng mga local government unit (LGU) sa pagkontrol ng mga breeding areas ng mga lamok o yung mga lugar na laging inuulan at binabaha.
Sa huling ulat ng Department of Health, umakyat na 51,622 ang kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Hun yo 18,kung saan mas mataas ito ng 58% kumapara sa mga kaso noong 2021.