Manila, Philippines – Balik-operasyon na muli ang Department of Labor and Employment sa pagsasagawa ng labor compliance inspection.
Matatandaang nitong holiday season, pansamantalang itinigil ng DOLE ang pag-iinspeksyon sa mga establisyimento mula December 15, 2018 hanggang kahapon, January 15, 2019.
Ayon sa DOLE, ginawa lang nila ang kanselasyon ng inspeksyon para maiwasan ang alegasyon ng panunuhol noong holiday season.
Habang suspendido ang inspeksyon, inilaan ng DOLE ang nasabing panahon sa pagresolba sa mga labor case at paghahanda sa mga labor law compliance monitoring program ngayong taon.
Facebook Comments