Labor day celebration maayos at mapayapa; mahigit walong libong raliyista namonitor ng PNP sa buong bansa

Payapa at maayos ang selebrasyon ng Araw ng Paggawa ngayong Mayo a uno.

 

Ito ang Kabuuang Security Assessment ng Philippine National Police sa buong bansa.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac walang naitalang untoward incidents ang PNP sa kabila ng mga namonitor na mga kilos protesta.


 

Sa monitoring ng PNP aabot sa mahigit walong libong raliyista ang kanilang naitala nationwide.

 

Halos anim na libong raliyista namonitor sa Metro Manila, 150 raliyista sa Tarlac at Pampanga sa region 3, 1435 sa Cavite at Laguna sa CALABARZON.

 

Namonitor rin ang 190 raliyista sa Camarines Sur sa Region 5, 150 sa General Santos City aa Region 12, 560 sa Butuan City sa region 13.

 

Pero hanggang kaninang alas 3:00 ng hapon bumaba na sa halos tatlong libo ang mga nagsasagawa ng kilos protesta at inaasahan ng PNP na mas mababa na ngayon ang bilang ng mga nagsasagawa ng rally.

 

Pero patuloy aniyang nakaalerto ang PNP hanggang sa matapos ang lahat ng aktibidad nationwide na may kinalaman sa paggunita ng Labor Day.

Facebook Comments