Bilang isang empleyado, karapatan mong alamin ang iyong mga karapatan at responsibilidad na nakapaloob sa Department of Labor and Employment (DOLE) Labor Code na naglalayong maiwasan ang hindi patas na pagtrato sa employment ng mga militanteng Pilipino.
Ayon sa DOLE Labor Code, as of March 28, 2018 Php 512 ang ang minimum wage sa NCR. Nagsimula itong maipatupad noong Oktubre ng nakaraang taon. Sa CAR naman Php 270-300 ang minimum wage. Pagdating sa Region 1, 265 pesos ang minimum; 340 pesos sa Region 2; 380 pesos sa Region III ngunit 329 pesos sa Aurora. Php 293-311.50 sa Region IVA at sa Region IVB naman ay 290 pesos, pareho sa Region V. P323.50 naman ang minimum sa Region VI. 366 pesos sa Region 7, P285 sa Region 8, P296 sa Region 9, P304 sa Region 10, P340 sa Region 11, P295 sa Region 12, at ngayong May 1, ay epektibo na ang minimum wage na 305 pesos sa Region 13. 265 pesos naman ang minimum sa ARMM. (Source: Summary of Latest Wage Orders and Implementing Rules Issued by The Regional Boards 28 March 2018)
Kabahagi rin sa mga benepisyong maaari o nararapat na matanggap ng manggagawang Pilipino ay ang pagkakaroon ng 13th monthpay, retirement pay kung umabot sa edad na 60 years old o higit pa ang empleyadong nagsisilbi sa kumpanya o establisyimento; overtime pay, at nightshift differential (NSD). Kung magli-leave o liliban naman ang isang empleyado, ang maternity, paternity, parental for solo parents, at special leave for women, ay maaaring i-grant. Samantala, ang mga mandatory government benefits at contributions ay ang Social Security System (SSS), PhilHealth, at Pag-IBIG benefits.
Ngayong nilagdaan na ni President Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order na nagbabawal sa illegal contracting at subcontracting, inaasahang mas maipapatupad ang mga benepisyong ito na nararapat tamasain ng mga manggagawang Pilipino.
Ulat ni Melody Dawn C. Valenton
LABOR DAY FEATURE | Alamin ang Ilang Benepisyo ng Manggagawang Pilipino
Facebook Comments