Matagumpay ngayong isinagawa ang Labor Day Job Fair kung saan daan-daang ang aplikante ang na-hire on the spot mula sa apat na lokasyon ng aplikasyon.
Ayon sa tagapag-salita ng DOLE Region 1 na si (DOLE) Ilocos Regional Information Officer Justin Marbella, sabay-sabay na idinaos ang job fair na ito sa iba’t ibang lugar sa Rehiyon 1 kung saan nasa kabuuang 602 na aplikante ang na-hire on the spot.
Ang nasabing bilang ay binubuo ng 287 na mula sa Vigan, Ilocos sur, 315 na aplikante mula sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan tulad ng Lingayen, Sta. Barbara at Urdaneta.
Sinabi ni Marbella na 318 sa mga hired on the spot na naghahanap ng trabaho ay babae habang 284 ay lalaki.
Samantala, ilan naman aniya sa mga aplikanteng hindi natanggap ay isinangguni sa ibang mga kalahok na ahensya at programa ng gobyerno.
Aniya, 46 sa mga aplikante ang dinala sa Technical Education and Skills Development Authority at 785 sa iba pang kalahok na ahensya. Gayundin, 35 ang isinangguni sa mga programa sa tulong pangkabuhayan at 15 sa mga programa sa oportunidad sa pagnenegosyo.
Ayon pa sa kanya, may kabuuang 26,260 na bakanteng trabaho habang may 1,741 na rehistradong naghahanap ng trabaho,”.
Ang naturang job fair ay isinabay sa selebrasyon ng Labor Day noong Mayo 1 upang mas marami pang mga Pilipino ang magkaroon ng trabaho na para rin sa kanilang pamumuhay. |ifmnews
Facebook Comments