Manila, Philippines – Umaasa ang Kalipunang Damayang Mahihirap o Kadamay na magbabago pa ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte at maglabas pa rin ng Executive Order kaugnay ng Endo.
Ayon kay Michael Beltran, spokesperson ng Kadamay, naramdaman na kasi ni Pangulong Duterte ang malawak na boses ng sentimyento ng mga pangkaraniwang mamamayan na nahihirapan dahil sa kawalan ng seguridad sa hanapbuhay.
Inihalintulad pa ng Kadamay ang kabuhayan ng mga maralitang manggagawa sa gumuhong tulay sa Zamboanga.
Nauna nang nagsagawa ng homeless camp ang grupo sa harap ng National Housing Authority (NHA) bago sumama sa isang malaking grupo ng raliyista sa Welcome Rotonda na magpoprotesta laban sa isyu ng contractualization at Tiraniya umano ni Duterte.
Facebook Comments