ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Nakiisa ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pagdaraos ng Labor Day for the Workers in the Informal Sectors.
Ngayong taon ay may temang “Kaligtasan, Katatagan at Pagbangon mula sa Ekonomiyang Pagkasadlak Dulot ng Pandemya” ang nasabing pangyayari.
Ang pagdiriwang ng Labor Day for Workers in Informal Economy/Sector ay alinsunod sa Proclamation 1215 na idineklara ang Mayo 1 hanggang 7 ng bawat taon bilang “Linggo ng Paggawa”.
Ito rin ay simbolo ng pagkilala sa potensyal ng mga manggagawa sa pagpapanatili ng paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang mga micro-enterprise sa mas malalaking negosyo.
Isinagawa ng Department of Labor and Employment – Western Pangasinan Field Office ang nasabing selebrasyon sa Don Leopoldo Sison Convention Center kung saan kalahok ang iba`t ibang asosasyon sa lungsod.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang ilang kawani mula sa City Cooperatives Office, gayon din ang OSHNET – RO1, Trade – Industry Development, at City Public Employment Services Office.