Labor Day Rally sa Baguio!

Baguio, Philippines – Ilang organisasyon ng mga manggagawa, drayber, guro, estudyante ang nag- rally sa Session Road papuntang Igorot park para magprotesta tungkol sa pag phase- out ng mga jeep, pagtaas sa minimum wage at regularisasyon ng mga kontraktwal na mga manggagawa.

Ang rally ay parte ng pagkilos kasabay ng ilang pang lugar sa ating bansa bilang paggunita sa Labor Day.

Ayon sa tagapag salita ng grupo ito ay dahil sa kabiguan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang kanyang pangako na pumirma sa executive order para wakasan ang kontraktwalisasyon sa ating Bansa.


Kinahapunan naman ng araw ng Labor Day ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order sa isang job fair sa Cebu.

Ano sa palagay mo iDOL? 

Facebook Comments