MANILA – Inamin ng Dept. of Labor and Employment o DOLE na malabong maipatigil ang lahat ng uri ng endo o kontraktwalisasyon sa kabila ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte.Ayon kay labor Secretary Silvestre Bello III, ilang panukala ang nakabinbin sa Kongreso kabilang na ang naglalayong magpatupad ng “total ban” laban sa endo.Pero, malabo anya nilang suportahan ang panukala dahil ikakalugi ito ng mga kompanya.Hindi rin niya ire-rekomenda ang total ban dahil may mga pagkakataon na naoobliga ang mga kompanya na mag-outsource o kumuha ng mga manggagawa.Sinabi pa ng kalihim, na may mga batas din na pinapayagan ang kontraktwalisasyon gaya ng seasonal at project based na serbisyo.Nilinaw din ni Bello, na ang pahayag ng pangulo na pipigilan nito ang kontraktwalisasyon ay nangangahulugan na ang endo lamang at iba pang ilegal na uri ng kontraktwalisasyon.
Labor Department, Inamin Na Malabong Maipatupad Ang “Total Ban” Sa Endo O Kontraktwalisasyon
Facebook Comments