Labor department, nagpaalala sa 2 araw na special non-working holiday

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tanging ang mga papasok sa dalawang araw na holiday lamang ang makakatanggap ng dagdag na sahod.

Sa panibagong abisong inilabas ng DOLE, pinaalalahanan nito ang mga manggagawa na special nonworking holiday sa buong bansa ang October 31 at November 1 bilang paggunita sa All Saints’ Day.

At dahil special holiday ang mga naturang araw, magiging epektibo ang ‘no work, no pay’ scheme.


Makakatanggap ang mga manggagawang papasok sa mga naturang araw ng 30 percent na dagdag sa kanilang arawang sahod.

Habang karagdagang 30 percent sa kada oras ng magtatrabaho ng lagpas sa walong oras.

Kung tatapat naman ang mga naturang araw sa rest day ng empleyado at papapasukin pa rin ay makakatanggap pa ito ng karagdagang 50 percent sa kanyang arawang sahod.

Hinimok naman ng DOLE ang mga employers na sumunod sa mga tuntunin.

Facebook Comments