Labor Department, Nilinaw na suspendido pa rin ang deployment ng Pinoy workers sa Saudi Arabia

Nilinaw ng Labor Department na suspendido pa rin ang pagpapadala ng mga bagong Filipino workers sa Saudi Arabia.

Ito ay bagama’t nag-isyu ng order ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pangunguna ni Sec. Abdullah Mama-O na nagsasaad na lifted na ang suspension ng deployment ban sa Saudi Arabia.

Nilinaw rin ni Labor Sec. Silvestre Bello III na suspendido rin ang kanilang pag-verify ng mga dokumento ng bagong hires na Overseas Filipino Workers (OFWs).


Partikular na pinigil ng pamahalaan ang deployment ng Filipino domestic workers sa Saudi Arabia dahil sa dumaraming kaso ng pag-abuso at pagmaltrato sa mga manggagawang Pilipino ng ilang Saudi employers.

Nais muna ng Department of Labor and Employment (DOLE) na matiyak ang proteksyon ng Pinoy domestic workers bago payagan muli ang pagpapadala ng mga bagong hire na Pinoy workers doon.

Facebook Comments