Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw, ipina-abot ng Labor Department ang pagsuporta nito sa panawagan sa National Government at Local Government Units (LGUs) ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na ipagpatuloy ang pagkilala sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino na itinuturing na mga pundasyon ng patuloy na lumalagong ekonomiya ng Pilipinas.
Partikular ang mga panukalang batas at pagsuporta ni Go sa mga programa na may layong maprotektahan mga karapatan ng mga obrero.
Tiniyak din niya na habang patuloy nilalabanan ng gobyerno ang COVID-19, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya para mabigyan ng tulong ang mga apektadong manggagawa.
Una na ring nanawagan si Go sa pagsusulong provision of support sa mga empleyado ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na apektado ng Coronavirus Disease-2019 (COVID-19) outbreak, na naging daan sa pagbibigay ng ayuda ng Department of Finance (DOF) sa halos 4-million na MSME employees.
Una na ring nagpatupad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) na ₱5,000 para sa bawat naapektuhan na mga manggagawa ng formal sector at employment facilitation services.
Suportado rin ng DOLE ang isinusulong ng senador ang “Balik Probinsya” program na magbebenipisyo sa milyun-milyong Filipino workers sa buong bansa na hindi na kailangang magtungo sa Metro Manila para mag-hanapbuhay.