Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magiging patas ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa mga umano’y iregularidad sa Philippine Overseas and Employment Administration (POEA).
Ito’y kasunod ng pagsuspinde ng pag-iisyu ng Overseas Employment Certificate (OEC) na requirement ng mga OFWs para makapagtrabaho abroad.
Sa intervew ng RMN kay Labor Sec. Silvestre Bello – ang suspensyon ay layong matukoy ang mga tauhan ng poea na nakikipagsabwatan sa mga illegal recruiters.
Iginiit pa ni Bello na 80 hanggang 90 porsyento ng mga direct hiring ay resulta ng illegal recruitment.
Tinatayang 75,000 poea applicants ang apektado ng suspensyon.
Nabatid na sinuspinde ang pag-iisyu ng OEC nitong Nobyembre 13 at magtatagal ito hanggang Disyembre a-uno.