Labor Education Act, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Pormal nang ganap na batas ang Republic Act 11551 o Labor Education Act matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng batas, ituturo na sa mga kolehiyo, unibersidad at vocational schools ang labor rights.

Inaatasan ang lahat ng public at private higher education institutions (HEIs) na isama ang labor education bilang bahagi ng elective course.


Ang mga HEIs ay dapat magsagawa ng labor empowerment at career guidance conference na dadaluhan ng mga graduating students.

Ang Commission on Higher Education (CHED) ang aatasang bumuo ng programa at magpapatupad ng bagong batas.

Itinalaga naman ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para mag-develop ng instruction modules at iba pang materials para sa labor education sa mga vocational schools.

Ang batas ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong May 27 at magiging epektibo 15 araw pagkatapos ito mailathala sa Official Gazette o anumang pahayagan.

Facebook Comments