Labor group, nagpadala ng liham sa Pangulo para ipanawagan ang price freeze sa pangunahing bilihin

Naniniwala ang grupo na Associated Labor Unions (ALU) na hindi pangkaraniwan ang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin.

Dahil dito, nagpadala ng sulat ang ALU kay Pangulong Rodrigo Duterte para ipahuli ang mga hoarders at price manipulators para kasuhan.

Ayon sa ALU, umaapela sila sa Pangulo na nagpatupad na ng price freeze sa mga basic commodities.


Kung maaalala, sinabi ni ALU National Executive Vice President Gerard Seno na lubhang naaapektuhan na ang mga minimum wage earners at hindi na nakakasabay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments