Nakiisa ngayon ang grupong Nagkaisa Labor Coalition sa grupo ng mga negosyante sa bansa na hikayatin ang gobyerno na pahintulutan na ang mga pribadong sektor na bumili ng bakuna para sa booster shots sa kanilang mga empleyado at pamilya.
Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, katuwang nila sa panawagang ito ang 26 business groups.
Hinikayat din ng grupong Nagkaisa Labor Coalition ang mga manggagawa na boluntaryong magpabakuna dahil maaaring magkaroon na naman ng surge sa mga kaso ng COVID-19 na tatama sa maraming trabahador at magdudulot ng kawalan ng kita dahil sa posibleng ipatutupad na naman na lockdown.
Hinihimok din ni Matula ang kanilang mga miyembro na magpabakuna alinsunod sa Sec. 12 ng R.A. 11525.
Si Matula ay tumatakbong senador.