Labor group, umapela sa gobyerno na unahing bakunahan ng anti-COVID-19 ang mga healthcare workers

Umapela ang mga health workers kay Pangulong Rodrigo Duterte na unahin silang bakunahan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Manuel Payao, RN, Chairperson ng Hospital Unions ng Federation of Free Workers (FFW) na ang mga health workers ang nangunguna sa listahan ng napakadelikado na mahawaan ng COVID-19 virus.

Paliwanag ni Payao na siya ring Presidente ng UERM Employees Association Federation of Free Workers, nakasasalamuha nila ang mga pasyenteng may taglay na COVID-19 at malaki ang posibilidad na mahawaan sila ng sakit.


Sa panig naman ni Willy Pulia, Presidente ng Alliance of Filipino Workers-Sentro at Nursing Aid sa Makati Medical Center, sang- ayon umano siya sa naging pahayag ng isang kongresista na nararapat lamang umano na mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga healthcare workers sa lalong madaling panahon.

Giit ni Pulia, naaawa sila sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na unang naturukan ng umano’y Chinese vaccines, na ginawang pang eksperimento gaya ng guinea pigs.

Facebook Comments