Labor leader, itinalaga ni PBBM bilang DSWD undersecretary for inclusive & sustainable peace

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Labor Leader at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bilang undersecretary for inclusive and sustainable peace, pangangasiwaan ni Tanjusay ang mga programa para sa paghahatid ng welfare services sa mga dating miyembro at pamilya ng mga rebelde.

Gayundin ang mga conflict-affected sector gaya ng mga katutubo, kababaihan at kabataan sa mga lugar sa bansa na hindi pa naabot ng serbisyo ng pamahalaan.


Layon ng bagong commitment na ito ng Marcos administration na hikayatin ang mga naghihimagsik sa gobyerno na magbalik-loob sa gobyerno at makipagtulungan sa pagpapalakas ng bansa.

Nagpasalamat naman si Tanjusay kay Pangulong Marcos Jr., sa ibinigay na pagtitiwala upang maabot ng pinag-ibayong pagsisilbi ang mga rebel returnee.

Ani Tanjusay, asahan ang mga government caring services at targeted programs na ihahanda ng DSWD sa mga vulnerable sectors.

Bago nakilala sa kaniyang adbokasiya para sa kapakanan ng mga manggagawa, labinlimang taong naging mamamahayag o journalist si Tanjusay.

Pagkatapos nito ay kinuha na siya bilang tagapagsalita ng pinakamalaking federation ng labor union, ang Associated Labor Unions (ALU) at ng labor center na TUCP na kaniyang hinawakan sa loob ng labindalawang taon.

Naging kabahagi rin si Tanjusay ng technical working groups na tumulong sa pagbalangkas ng Security of Tenure Bill, ang paglalatag ng mekanismo sa taas-pasahod at implementasyon ng mga health and safety of workplace standards.

Facebook Comments