Umuunlad ang labor market para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ang Czechoslovakia, Romania at Poland ay naghayag ng kanilang pagnanais na tumanggap ng OFWs.
Bukod dito, sinabi rin ni Bello na hiring din ang Canada ng mga Pilipinong caregivers.
Tinatayang nasa 1,000 hanggang 2,000 caregivers ang nais tanggapin ng Canada, habang naghahanap ng nurses ang Romania.
Sinabi pa ni Bello na sisimulan na ring mag-deploy ng mga manggagawa sa China kapag nag-normal na ang sitwasyon, partikular ng mga guro at skilled workers.
Nais lamang tiyakin ng pamahalaan na ipapadala ang mga Pinoy workers sa mga bansang wala nang kaso ng COVID-19.
Mula nitong December 9, aabot na sa 350,000 OFWs ang nakauwi sa bansa at nasa kani-kanilang mga lalawigan na.