Labor Sec. Bello, hindi na tatakbong senador

73

Inihayag ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na siya kakandidato bilang senador sa 2022 national and local elections.

Sa pinadalang press statement, humingi rin ng paumanhin si Bello sa kanyang mga taga-suporta at sinabi na ang kanyang desisyon ay para sa kabutihan ng nakararami at mga manggagawa.

Dinagdag ng kalihim na pag-uukulan na lamang niya ng panahon ang pagkakaloob ng ayuda ng pamahalaan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemic dulot ng COVID-19.


Matatandaang inihayag noon ni Bello na kakandidato siya sa mataas na posisyon sakaling kumandidato bilang pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte.

Noong nakaraang buwan, pinangunahan ng kalihim ang International Labor Organization (ILO) conference sa Switzerland.

Facebook Comments