Labor Sec. Bello, humingi ng pasensya kasunod ng isyu sa “nurses-for-vaccines trade”

Humingi ng pasensya si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa grupo ng mga nurse.

Kasunod ito ng kaniyang alok sa United Kingdom (UK) at Germany na aalisin ang cap sa deployment ng 5,000 healthcare workers kapalit ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Bello, hindi niya intensyon na saktan ang grupo ng mga nurse.


Humiling aniya siya ng mga bakuna sa UK dahil nais lang niyang mabakunahan na sa Pilipinas at maprotektahan sa virus ang mga nurse bago pa sila magtungo Inglatera.

Paliwanag pa ni Bello, bahagi ito ng kaniyang pakikipagnegosasyon sa British ambassador na una nang humiling na mai-exempt sila sa deployment cap.

Maliban dito, isinama na rin aniya niya sa kaniyang hiling sa bakuna ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Giit pa ng kalihim, batid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pakikipagnegosasyon sa UK.

Facebook Comments