Nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) na makikipagdayalogo sa Food Panda riders para alamin ang kanilang mga reklamo hinggil sa hindi patas na labor practices na ipinapatupad ng kanilang kumpanya.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nais niyang makausap ang mga riders sa lalong madaling panahon.
Aminado ang DOLE na walang specific guidelines hinggil sa employment ng riders dahil ang industriya ay bahagi ng new economy.
Ang mga riders ay protektado ng mga benepisyo sa ilalim ng Social Security System (SSS), at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa statement, inihayag ng Food Panda na nag-abiso sila hinggil sa bagong payment structure para sa kanilang freelance food delivery rider bago nila ipinatupad ito noong Hunyo.
Sa ilalim ng bagong sistema, babayaran ang mga riders batay sa kanilang delivery distance para gawing organized at fair ang payment structure.
Giit naman ng mga riders, nabawasan ang kanilang kinikita at lumala ang kanilang working conditions dahil sa ipinatupad na pagbabago.