Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Sec. Silvestre Bello III na magtungo sa Iran.
Ito’y sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at ng Estados Unidos.
Ayon kay Bello, tinitingnan niya ang posibilidad ang pagpunta sa Iran para alamin ang sitwasyon ng mga Pilipinong nandoon.
Maliban dito, inatasan ng Pangulo ang DOLE, DFA, DND, DILg at DBM na maghanda para sa posibleng Force Repatriation ng mga Pilipino sa Middle East.
Sa ngayon, binuo na ang Crisis Management Committee para tugunan ang mga concerns patungkol sa Middle East.
Facebook Comments