Labor Secretary Bello, humingi ng tulong sa NBI dahil sa pekeng FB account na gamit ang kaniyang pangalan para humingi ng donasyon

89

Nagpasaklolo si Labor Secretary Silvestre Bello III sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa isang Facebook account na gumagamit ng kaniyang pangalan at personal na mga impormasyon na humihingi ng donasyon para sa umano’y Community Pantry niya.

Ayon kay Secretary Bello, iba’t ibang bank account at contact number ang ibinigay sa account niya. Idineklara rin na tatakbo ang kalihim bilang senador sa darating na Eleksyon 2022.


Paliwanag ng kalihim na wala siyang kinalaman sa naturang account na may mahigit 1,200 na FB friends at lalong wala siyang nalalaman sa mga naka-post o nilalaman nito

Pinag-iingat ni Labor Secretary Bello ang publiko laban sa sinumang gagamit sa kaniyang pangalan o ng Department of Labor and Employment (DOLE) para humingi ng pera o anumang uri ng donasyon.

Facebook Comments