Labor Secretary Bienvenido Laguesma, tinuligsa ng isang labor group dahil sa pagtutol sa wage hike proposal

Binatikos ng mga labor group si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma dahil sa pagtutol umano nito sa legislated wage hike bills.

Sa pahayag, tinawag na betrayal ng Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa ang posisyon ni Laguesma na tumututol sa mga wage hike bills.

Ayon kay SENTRO Secretary General Josua Mata, nanawagan sila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa sa pagtugon sa systemic roots ng kahirapan at chronic poverty wages.


Ayon sa TUCP, ang babala ni Laguesma na ang pagdaragdag sa sahod ng mga empleyado na magdudulot ng matinding inflation, unemployment at business closures ay walang basehan.

Dagdag pa ng grupo, hindi dapat maging labor chief si Laguesma kasabay ng pagsalungat sa kapakanan ng mga manggagawa.

Facebook Comments