Labor Secretary Silvestre Bello At Ilang Labor Leaders, Nagpulong Kaugnay Sa Planong Pag-Alis Sa Endo

9

MANILA – Nagpulong na ang nasa dalawampung (20) labor leaders at si Labor Secretary Silvestre Bello kaugnay ng planong pag-alis sa endo o end of contact ng mga manggagawa.Dito hiniling ni Trade Union Congress of the Philippines president Ruben Torres – na tanggalan na ng papel ang mga ahensya na kino-kontrata ng mga kompanyaBase rin sa labor codem, responsibilidad ng employer ang kanilang mga trabahador.Aminado naman si Labor Department Undersecretary Dominador Say at mga labor group na hindi talaga matatanggal ang kontraktuwalisasyon.Sa kabila nito, payag naman ang mga labor groups na maghire ng mga seasonal workers sa mga mall, hotel pati security guard at janitorial services maging project employees.Umaasa ang DOLE na mapipirmahan na sa Pebrero ang final department order para makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga manggagawang naapektuhan

Facebook Comments