Labor Secretary Silvestre Bello III, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagpositibo sa COVID-19 si Labor Secretraty Silvestre Bello lll.

Base sa impormasyong ipinalabas ng DOLE Public Information Office, si Bello ay asymptomatic naman at nananatiling nasa magandang kalusugan.

Ayon sa DOLE, bagaman bakunado na si Secretary Bello, tinamaan pa rin ito ng COVID-19 at ngayon ay nag-self-quarantine na sa kanyang tahanan sa Ilagan.


Napag-alaman na bago umano nagpositibo sa COVID-19, kinumpirma na tumatanggap ng mga opisyal at bisita ang kalihim sa kanyang tanggapan at bumiyahe rin sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa ginagawang pagkilos para magbigay ng ayuda sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya.

Facebook Comments