Manila, Philippines – Ipinanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Labor and Employment na bigyan ng kapangyarihan ang mga Labor Union sa pribadong sector para pigilan ang contractualization sa kanilang mga pinagtatrabahuhang kumpanya.
Ayon kay Pangulong Duterte, ito ay upang maipatupad ng maayos ang anti-endo campaign ng pamahalaan na ipinatutupad ngayon ng DOLE.
Hiling lang ni Pangulong Duterte sa mga Labor Union na maging makatotohanan sa kanilang isusumiteng report sa DOLE sakaling maipatupad ang kanyang panukala.
Sa kaugnay na balita naman, pinayagan na ni Pangulong Duterte ang mga Labor Union sa Gobyerno na bumuo ng Collective Bargaining Agreement sa Pamahalaan para pagusapan o ilatag ang mga benepisyo ng mga Government employees.
Ayon kay Pangulong Duterte, isusumite niya sa Senado ang kanyang pahayag ng Pagsuporta na ipatupad sa bansa ang International Labor Organization convention #151.
Ito ay nagbibigay pahintulot sa mga empleyado sa gobyerno na bumuo ng unyon para pumasok sa collective bargaining agreement sa pamahalaan para sa mga benepisyo ng mga government employees.
DZXL558