Laboracay sa Mayo uno, hindi pa ibabalik

Wala pang balak ibalik ng Department of Tourism (DOT) maging ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang sikat na “Laboracay” tuwing Labor day o tuwing Mayo a-uno.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Usec. Epimaco Densing na kasalukuyan pa kasi tayong nasa pandemya at hindi nila pinapayagan ang overcrowding.

Ang Laboracay rin aniya ay may negatibong epekto sa kalikasan dahil sa sobrang dami ng tao at sa mga basurang naiiwan sa isla.


Samantala, nagbabala ang DILG sa mga lokal na opisyal ng Boracay kaugnay sa naganap na pagdagsa ng mga turista sa isla noong Holy Week.

Ani Densing, pinatitiyak ng DILG na hindi na mauulit na lalampas sa 19,000 ang bilang ng mga turista sa Boracay na itinakdang carrying capacity sa isla.

Facebook Comments