Mula sa 13, 15 na ngayon ang laboratory at diagnostic tests ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mammogram at ultrasound sa upper abdomen, pelvic at breast.
Ayon kay PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., nangangahulugan ito na ang taunang capitation ng PhilHealth kada pasyente ay umaabot na ngayon sa P1,700 para sa public at private.
Ito ay mula sa dating P550 kada pasyente para sa mammogram at ultrasound sa upper abdomen, pelvic at breast.
Una na ring itinaas ng PhilHealth sa 156 ang hemodialysis sessions para sa mga pasyenteng may Chronic Kidney Disease Stage 5, at tinaasan din ang coverage para sa ischemic at hemorrhagic stroke , gayundin sa high-risk pneumonia.
Nitong March, itinaas din ng PhilHealth ang Z Benefits nito para sa breast cancer sa 1,400% o P1.4 million mula sa 100,000.