Laboratory Department of Ospital ng Tondo, pansamantalang isinara

Pansamantalang sarado ang Laboratory Department of Ospital ng Tondo.

Sa isang anunsyo, sinabi ng Manila Public Information Office na ito ay habang hinihintay pa ang resulta ng ginawang RT-PCR test sa empleyado ng laboratoryo.

Hindi naman tinukoy kung ilang araw ang temporary closure.


Sa oras na lumabas na ang resulta ng pagsusuri agad namang magbabalik operasyon ang Laboratory Department ng OsTon.

Facebook Comments