Nabigyan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng notice of violation ang isang laboratoryo sa Virac, Catanduanes dahil sa maling pagtatapon ng medical waste.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, malinaw na lumabag ang nasabing laboratoryo sa Clean Water Act at Toxic Substances, Hazardous and Nuclear Wastes Control Act.
Aniya, binigyan naman ng pagkakataon ang naturang laboratory na magpaliwanag hanggang sa Pebrero 9.
Bukod sa kasong isasampa ng DENR, inaasahang maghahain din ng hiwalay na reklamo ang pamilya ng mga batang nagpositibo sa COVID-19 antigen test matapos paglaruan ang mga hiringgilyang itinapon ng laboratory.
Facebook Comments