LABORER, ARESTADO SA KASONG FRUSTRATED MURDER

CAUAYAN CITY- Napasakamay ng PNP Enrile ang isang wanted person sa bayan ng Sta. Maria, Isabela noong ika-17 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Kinilala ang suspek na si alyas “Joko”, 24-anyos, binata, at residente ng naturang bayan.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong frustrated homicide na may inirekomendang pyansa na nagkakahalaga ng P72,000 para sa pansamantalang kalayaan.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Enrile Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments