Laborer, Arestado sa kasong Statutory Rape!

Jones, Isabela- Bagsak kulungan ang isang laborer matapos itong madakip sa kasong panggagahasa sa Brgy. Batal, Santiago City.

Kinilala ang nadakip na si Freddie Mark Encin, 20 anyos, walang asawa, laborer at residente ng brgy. Namnama, Jones, Isabela.

Nadakip si Encin sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Bonifacio T. Ong ng RTC branch 24 sa kasong 2 counts statutory rape kung saan ay hindi maaaring makapaglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Samantala, sa ngayon ay nasa kustodiya na ng BJMP Santiago City si Encin para sa kanyang karampatang kaparusahan.

Facebook Comments