Laborer, Kulong sa Pag-iingat ng Droga!

47

*Alicia, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang isang laborer matapos matiklo sa pag-iingat ng droga sa Brgy. Calaocan, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jonard Pepino, 26 anyos, binata, at residente ng brgy. Calaocan, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng impormasyon ang tanggapan ng PNP Alicia mula sa isang concerned citizen hinggil sa isinasagawang transakyon sa droga ng suspek sa naturang lugar.


Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ay tumakbo ang suspek at may inihagis na bagay dahilan naman upang siya ay habulin at dakpin.

Narekober naman ng mga otoridad ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon ay nasa pag-iingat na ng Alicia Police Station ang suspek maging ang narekober na item para sa kaulang dokumentasyon at tamang disposisyon.



Facebook Comments