Laborer na may kasong Panggagahasa, Arestado!

*Cauayan City, Isabela- *Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 4 Most Wanted Person sa bayan ng Aurora, Isabela matapos madakip sa Brgy. Sta Rosa sa nasabing bayan.

Kinilala ang naaresto na si Roger Bayodoc, walang asawa, laborer at residente ng Sitio Subasta Brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), hinuli si Bayodoc ng pinagsanib na pwersa ng PNP Aurora sa pangunguna ni P/Capt Villamor Andaya, Provincial Intelligence Branch, CIDG Isabela PPO, PIDMB at RIO 2.


Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 23, Roxas Isabela kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang kasong panggagahasa.

Dinala na sa himpilan ng PNP Aurora ang akusado para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments