Laborer na Top 8 Most Wanted sa Delfin Albano, Timbog!

209

Delfin Albano, Isabela – Nahuli na ng otoridad ang isang laborer na Top 8 Most Wanted sa bayan ng Delfin Albano matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. San Juan, Delfin Albano, Isabela.


Kinilala ang nadakip na si Ariel Battung Uban, trentay nuebe anyos, may asawa, isang laborer at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto dakong alas dos ng hapon si Uban ng mga kasapi ng PNP Delfin Albano sa pangunguna ni PSI Erickson B. Aniag sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II, ng RTC Cabagan, Isabela dahil sa kasong Frustrated Murder.

Nasa kustodiya na ng PNP Delfin Albano ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, may inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Uban na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso (P200,000.00)

Facebook Comments