Laborer na Tulak ng Droga, Arestado!

*Cabagan, Isabela- *Natimbog ang isang manggagawa matapos na matiklo sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Ugad, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Richard Cristobal, 30 anyos, binata, at residente ng Brgy. Poblacion 1, Sta Maria, Isabela.

Nahuli si Cristobal nang maglatag ng buybust operation ang mga kasapi ng PNP Cabagan ganap na alas syete kagabi kung saan nakabili ang isang poseur buyer mula sa suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu.


Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at ang ginamit na buy bust money.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cabagan ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments