Laborer sa Cordon Isabela, Arestado sa kasong Paglabag sa RA 7610!

19

Cordon Isabela- Arestado ang isang laborer matapos maghain ng warrant of arrest ang PNP Cordon Isabela sa Brgy. Laurel Cordon Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jaime Mariano Cristobal, 48 anyos isang laborer at residente ng Duruarog Diadi, Nueva Vizcaya.

Nadakip ng PNP Cordon ang akusado matapos magpalabas ng mandamyento de aresto si hukom Cicero Jandoc ng RTC branch 29 Santiago City sa kasong paglabag sa RA 7610 sa ilalim ng criminal case number 10532.

Samantala, makakalaya naman ang akusado kung makakapaglagak ito ng inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng apatnapu’t walong libong piso.

Sa ngayon ay hawak na ng kapulisan ang akusado para sa kanyang kaukulang kaparusahan.

Facebook Comments