Laborer-sinaksak dahil lang sa biro

General Santos, Philippines – Patay ang isang 33 taong gulang na laborer matapos itong gisaksak gamit ang basag na bote ng alak habang nasa harap ng Video-K Bar sa barangay tambler,General Santos.

Kinilala ang biktima na si Umbra Nasa, residente ng Prk. Byo, Barangay Tambler.

Alas 7:30 ng gabi nang sinaksak ng suspek na si sonny Lumapas, 27 anyos, mangingisda, taga-Prk. Paradise, ng nasabing barangay ang biktima dahil sa hindi pagkakaunawaan.


Bago paman nangyari ang pananaksak nagkaroon ng away ang suspek at ang grupo ng biktima dahil umano hinagisan ng suspek ng bato ang bubong ng videoke bar, pero dumepensa ang suspek at sinabi nito na ang bubong ng kanilang bahay na nasa tabi lang ng Video-K Bar ang kanyang hinagisan ng bato dahil kanyang biniro ang kanyang misis.

Nang humingi ng tawad ang suspek, hindi ito pinalampas ng grupo ng biktima bagkus kanilang binugbog ang nasabing suspek kaya nangyari ang pananaksak.

Hindi na umabot ng hospital ang biktima habang ang suspek ay dinala rin ng pagamutan dahil sa natamong sugat sa kanyang katawan.

Nasa custody na ngayon ng Tambler PNP ang suspek at inihahanda na ngayon ang kasong kanyang haharapin.
DZXL558

Facebook Comments